^

PM Sports

Arum may listahan na ng maaaring labanan ni Pacquiao

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – May inilatag na si Bob Arum ng Top Rank Promotions na mga potensyal na makakalaban ni Manny Pacquiao sa susunod na taon.

Sa isang panayam, si­nabi ni Arum na tanging sina Pacquiao at chief trai­ner Freddie Roach ang nag-uusap tungkol sa kanilang gustong labanan.

“Manny, and I guess after consulting with Fred­die, will pick the op­po­nent that they want to fight,” wika ni Arum.

Nagmula ang 36-an­yos na si Pacquiao (57-6-2, 38 KOs) sa unanimous decision loss kay Floyd Mayweather, Jr. (49-0-0, 26 KOs) noong Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Ve­gas, Nevada.

Inaasahang muling aak­yat ng boxing ring ang Filipino boxing superstar sa Abril ng 2016 matapos ang surgery sa kanyang right shoulder injury noong Mayo 7.

Ilan sa mga binanggit ni Arum na maaaring ma­katapat ni ‘Pacman’ ay sina Amir Khan (31-3-0, 19 KOs), Kell Brook (36-0-0, 24 KOs), Terence Crawford (26-0-0, 18 KOs), Lucas Matthysse (37-3-0, 34 KOs) at Juan Manuel Marquez (56-7-1, 40 KOs).

Mas gusto naman ni Roach na labanan ni Pacquiao si Danny Garcia (31-0-0, 18 KOs).

Itataya ni Brook ang kanyang IBF welterweight belt kontra kay Die­go Chaves sa Oktubre, habang idedepensa ni Crawford ang kanyang WBO crown laban kay Dierry Jean at makakasagupa naman ni Matthysse si Victor Postol para sa ba­kanteng WBC crown.

Wala pang desisyon ang 43-anyos na si Marquez kung magbabalik sa aksyon matapos talunin si Mike Alvarado noong Ma­yo ng 2014.

Matatandaang pina­tu­log ni Marquez si Pac­quiao sa sixth round sa kanilang ikaapat na pag­haharap noong Dis­yem­bre ng 2012.

ACIRC

AMIR KHAN

ANG

BOB ARUM

DANNY GARCIA

DIERRY JEAN

FLOYD MAYWEATHER

FREDDIE ROACH

KOS

PACQUIAO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with