Pennisi ibinalik ng Star sa Barako Bull kapalit ng 2017 pick

MANILA, Philippines – Magbabalik si Mick Pen­nisi sa dati niyang koponang Barako Bull.

Dahil sa patakaran ng Philippine Basketball Association sa mga Filipino-foreigners ay napilitan ang Star Hotshots na dal­hin ang 6-foot-7 na si Pen­nisi sa Energy sa pa­ma­magitan ng trade.

Limang Fil-foreign pla­yers ang pinapayagan ng PBA na maglaro para sa isang koponan.

Sa pagbibigay sa 40-anyos na veteran big man ay makukuha naman bilang kapalit ng Star ang 2017 second-round pick ng Barako Bull.

Sa kasalukuyan ay may limang Fil-Foreign pla­yers ang Hotshots sa ka­nilang line-up para sa darating na PBA 41st season sa Oktubre.

Ang mga ito ay sina Fil-Ams Joe Devance, Alex Mallari at Rafi Reavis, Fil-Palestinian Yousef Taha at Fil-Canadian roo­kie Norbert Torres.

Si Webb ang pumalit kay two-time Grand Slam champion coach Tim Cone na inilipat ng SMC sa Ba­rangay Ginebra.

Makakasama naman ni Pennisi sa Energy sina Jake Pascual, Jondan Salvador at Rico Maierhofer.

Show comments