MANILA, Philippines – Tinapos ng National University Bulldogs ang kanilang losing streak at ang winning run ng UST Tigers sa 55-54 panalo sa 78th UAAP men’s basketball kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tumapos si Alfred Aroga taglay ang 19 points at 12 rebounds at siya ang nagbigay ng kalamangan sa mahirap na fade-away jumper laban kay Karim Abdul.
Nawala ang bola kay Kevin Ferrer sa sumunod na tagpo pero may tsansa pang maagaw ng Tigers ang panalo nang sumablay si Gelo Alolino sa kanyang dalawang free throws sa huling 3.4 segundo.
It’s so hard when we don’t win but they vowed to come back after the (double overtime) loss to Ateneo. I’m thankful for this win,” ani NU coach Eric Altamirano.
Si Ferrer ay may 14 puntos at 11 boards, si Abdul ay naghatid ng 11 puntos pero ang kanilang top scorer na si Ed Daquioag ay nalimitahan lamang sa 9 puntos.
Nagkaroon ng pagkakataon na maging bayani si Daquioag nang makuha ang nawalang bola ni Alolino tungo sa lay-up para itulak ang Tigers sa 54-53.
Napantayan ni Von Pessumal ang kanyang career-best sa pagbuslo sa 3-point line, habang kinapos ng tig-isang rebound at assist si Kiefer Ravena para sa isang triple-double upang pangunahan ang Ateneo Blue Eagles sa 77-72 panalo sa UE Red Warriors sa unang laro.
Tumapos si Pessumal taglay ang 6-of-10 shooting sa tres at hindi siya sumablay sa apat na tinira sa 3-point arc sa second period para sa 15 puntos at ang Blue Eagles ay umangat sa 43-33.
Iniwanan ng Ateneo ang UE sa 52-35 mula sa triple ni Pessumal.
ATENEO 77 – Pessumal 21, Ravena 15, Gotladera 9, Ikeh 8, Apacible 6, Wong 5, Ma. Nieto 5, Wong 4, Babilonia 4, Black 2, Capacio 2, Cani 0, Pingoy 0, Tolentino 0.
UE 72 – Batiller 19, Javier 17, Abanto 6, Charcos 5, Derige 5, Palma 5, Varilla 5, De Leon 4, Yu 4, Sta. Ana 2, Gagate 0, Gonzales 0, Manalang 0.
Quarterscores: 15-17; 43-33; 63-50; 77-72.
NU 55 – Aroga 19, Alejandro 9, Abatayo 8, Diputado 7, Neypes 6, Alolino 2, Javelona 2, Salim 2, Celda 0, Javillonar 0, Lastimosa 0, Tansingco 0.
UST 54 – Ferrer 14, Abdul 11, Daquioag 9, Lao 8, Lee 6, Bonleon 3, Vigil 3, Faundo 0, Huang 0, Sheriff 0, Subido 0.
Quarterscores: 17-17; 33-26; 41-43; 55-54.