MANILA, Philippines - Hindi pa man nagsisimula ang laro ay ibinilang na ang panalo ng San Beda College laban sa talsik nang Lyceum.
Pinatumba ng five-peat champions na Red Lions ang Pirates, 87-80 para muling sumosyo sa liderato sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Muling bumandera si pro-bound Arthur Dela Cruz sa kanyang hinakot na 25 points, 8 rebounds, 4 assists at 3 steals para itabla ang San Beda sa Letran sa pamumuno sa torneo.
Mula sa 20-point deficit sa first half, napababa ito ng Pirates sa 50-56 sa third period bago kumamada sina Dela Cruz, Baser Amer at Nigerian import Ola Adeo-gun sa final canto para sa panalo ng Red Lions.
“We just didn’t panic and try to execute our plays,” sabi ni San Beda rookie coach Jamike Jarin.
Umiskor sina Wilson Baltazar at Joseph Ga-bayni ng 28 at 24 points, ayon sa pagkakasunod sa panig ng Lyceum.
Samantala, muli namang sosolohin ng Knights ang liderato sa pagharap sa Jose Rizal Heavy Bombers ngayong alas-4 ng hapon matapos ang upakan ng Arellano Chiefs at mainit na Mapua Cardinals sa alas-2.
Sa unang laro, binalikan ng San Sebastian ang kapwa nila sibak nang Emilio Aguinaldo College Generals, 91-77, tampok ang pagbibida sa second period nina Jon Ortouste at Spencer Pretta.
Nagtumpok ng pinagsamang 25 points sina Ortouste at Pretta sa kabuuang 35 markers ng Stags sa second quarter para resbakan ang Ge-nerals na tumalo sa kanila, 71-77 sa first round.
Ito ang pang-apat na panalo ng San Sebastian sa 14 laro, habang nalasap ng EAC ang kanilang ika-12 kabiguan para sa 2-12 karta.
Tumapos si Ortouste na may 24 points, 6 rebounds, 7 assists at 3 steals habang nagdagdag si Pretta ng 19 markers na tinampukan ng 5-of-9 shooting sa 3-point range para sa Stags.
SAN SEBASTIAN 91 - Ortouste 24, Pretta 19, Bulanadi 17, Guinto 11, Costelo 7, Fabian 6, Bragais 3, Calisaan 2, Capobres 2.
EAC 77 - Munsayac 21, Hamadou 20, Onwubere 16, Mejos 8, Pascua 5, Bonleon 4, Diego 3.
Quarterscores: 16-17; 51-35; 68-55; 91-77.
SAN BEDA 87 - De La Cruz 25, Tongco 14, Amer 12, Adeogun 11, Mocon 5, Sara 5, Soberano 4, Tankoua 4, Koga 2, Cabanag 2, Reyes 2, Sedillo 1.
Lyceum 80 - Baltazar 28, Gabayni 24, Alanes 8, Nguidjol 6, Taladua 4, Bulawan 4, Marata 3, Lacastesantos 3.
Quarterscores: 17-15; 49-31; 67-58; 87-80.