^

PM Sports

Lumabas ang lakas ng kabayong Play It Safe

Pang-masa

MANILA, Philippines – Lumabas ang lakas sa rematehan ng Play It Safe para tanghaling kampeon sa 2-Year Old Maiden Race noong Lunes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Si CV Garganta ang hinete ng kabayong pag-aari ng Jade Bros Farm at hindi nagkaproblema ang tambalan kahit naging mahina ang alis nito sa 1,300m  distansyang karera.

Second choice sa walong naglaban, ang Tito Gene sa pagdiskarte ni Jessie Guce ang paborito at sa pagbukas ng aparato ay kinuha agad ang liderato habang sumunod ang Archer Queen at Ora Et Labora.

Nakuha pa ng Ora Et Labora ang lamang sa back stretch pero binawi rin agad ito ng Tito Gene habang nagpapainit sa likod ang Play It Safe.

Inilabas pa ni Garganta ang sakay na kabayo pagpasok sa far turn at maluwag ang dinaanan  ng kabayo para maagaw na nang tuluyan ang liderato.

Pumangalawa pa ang Archer Queen na pumang-lima sa PCSO Maiden Race noong Hulyo 25 habang ang Tito Gene ang pumangatlo sa datingan.

May lahing Sir Cherokee at Full Of Action, ang panalo ng Play It Safe ay nagkahalaga ng P13.00 habang ang 5-7 forecast ay may P43.50 dibidendo.

Nakapanggulat naman ang Director’s Play nang manalo sa Handicap Race 5 sa 1,400m distansya.

Galing sa panalo ang nasabing kabayo noong Agosto 13 pero nadehado dahil ibinalik ang pagrenda kay RH Silva mula kay Mark Alvarez.

Sa rekta ay ginamit ni Silva ang latigo para humataw pa ang Director’s Play tungo sa isang ulong panalo sa  Tejeros na diniskartehan ni Jonathan Hernandez.

Kumabig ang mga nanalig sa Director’s Play ng P106.00 sa win habang ang 2-11 forecast ay mayroong P435.50 dibidendo. (AT)

ANG

ARCHER QUEEN

FULL OF ACTION

GARGANTA

HANDICAP RACE

JADE BROS FARM

JESSIE GUCE

JONATHAN HERNANDEZ

ORA ET LABORA

PLAY IT SAFE

TITO GENE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with