^

PM Sports

Petron magpipilit makabawi sa pagkatalo

Pang-masa

PHU LY, Vietnam – Ma­tapos makatikim ng straight-set loss laban sa 4.25 Sports Club of North Korea kamakala­wa, hangad naman ng Petron na ibunton ang ka­nilang pagkainis sa Is­lamic Azad University ng Iran sa 2015 AVC Asian Women’s Club Championship dito sa Ha Nam Competition Hall.

Sasagupain ng Blaze Spikers ang mga Ira­nians ngayong alas-9 ng ga­bi (Manila time) sa na­sabing nine-country tourney na nagtataya ng isang tiket para sa 2016 FIVB World Women’s Club Championship.

Nakatikim ang Pet­ron, ang nagreyna sa Phi­lippine Superliga (PSL) Grand Prix, ng 13-25, 18-25, 11-25 pag­katalo sa 4.25 Sports Club ng North Korea no­ong Biyernes ng gabi.

Sa naturang laro ay hindi nakaporma si Brazilian import Rupia Inck Furtado pati na sina local spikers Aby Maraño, Dindin Manabat at Rachel Anne Daquis.

Tumapos si Furtado, dating Brazilian juniors national team stalwart, na may 7 points, 5 kills at isang ace.

Nagtala rin si Mana­bat ng 7 points, habang may tig-4 markers sina Daquis at Maraño.

“It was Rupia’s first game with us so this flat per­formance is pretty understandable,” ani Blaze Spikers’ coach George Pascua, nakahu­got ng 53-set performance kay reinforcement Erica Adachi.

Bagama’t walang fo­reign players, ang Iran ang isa sa mga kinatatakutang koponan sa torneo sa kabila ng kabiguan sa bigating Zhejiang ng China.

ABY MARA

ACIRC

ASIAN WOMEN

ATILDE

AZAD UNIVERSITY

BLAZE SPIKERS

CLUB CHAMPIONSHIP

DINDIN MANABAT

ERICA ADACHI

GEORGE PASCUA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with