^

PM Sports

Blue Eagles, Warriors nakabawi

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nakita ang larong ina­asahan sa Ateneo Blue Eagles, ngunit patuloy ang kawalan ng kinang sa pa­nig ng nagdedepensang National University Bulldogs matapos ang magka­ibang kapalaran sa 78th UAAP men’s basketball  ka­gabi sa Mall of Asia Are­na sa Pasay City.

Kuminang ang mga la­ro nina Von Pessumal at Aaron Black para suporta­han si Kiefer Ravena at ang­kinin ng Blue Eagles ang 84-60 panalo sa Adam­son Falcons.

Ang panalo ay nagba­ngon sa tropa ni coach Bo Perasol mula sa 64-88 pagkakadurog sa FEU Tamaraws.

Si Ravena ay may 24 puntos, habang nag-am­bag sina Pessumal at Black ng 12 at 11 puntos.

May siyam na puntos si Pessumal, habang dalawang dikit na triples ang naihatid ni Black sa ikatlong yugto na dinomina ng Ateneo, 28-18, para ang anim na puntos kalamangan sa halftime ay lumawig sa 62-48 papasok sa huling yugto.

Hindi naman napa­nga­tawanan ng Bulldogs ang pagbangon mula sa double-digits na pagkakalubog nang bumigay sila sa huli para ipagkaloob sa UE Warriors ang 76-71 panalo sa ikalawang laro.

Sina Edgar Charcos at Pau Varilli ay nagpaka­wala ng magkasunod na triples, habang dalawang dikit na free throws ang hatid ni Edison Batiller sa huling 18 segundo para  ipreserba ng Red Warrios ang kanilang unang pan­a­lo sa dalawang laro. (AT)

AARON BLACK

ACIRC

ANG

ATENEO BLUE EAGLES

BLUE EAGLES

BO PERASOL

EDISON BATILLER

KIEFER RAVENA

MALL OF ASIA ARE

NATIONAL UNIVERSITY BULLDOGS

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with