^

PM Sports

Mayweather nagpaturok ng banned substance bago labanan si Pacquiao?

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa gabi noong Mayo 2 ay hindi pinayagan si Manny Pacquiao ng Nevada State Athletic Commission na maturukan ng painkiller na Toradol para mabawasan ang kirot ng kanyang injured rotator cuff bago labanan si Floyd Mayweather, Jr.

Hindi alam ng NSAC na pumayag ang United States Anti-Doping Agency na mabigyan si Mayweather ng IVs injection, ipinagbabawal ng World Anti-Doping Agency, sa gabi ng kanilang upakan ni Pacquiao.

At tatlong linggo matapos ang unanimous decision win kay Pacquiao ay binigyan si Mayweather ng USADA ng exemption para sa paggamit ng IVs, may halong 250-milliliter mixture ng saline at multivitamins at isang 500-milliliter mixture ng saline at Vitamin C.

Nilinaw ni NSAC executive director Bob Bennett na tanging sila lamang ang may kapangyarihang magbigay ng exemption at hindi ang USADA.

“USADA is a drug-testing agency. USADA should not be granting waivers and exemptions. Not in this state. We are less than pleased that USADA acted the way it did,” sabi ni Bennett sa report ng SB Nation.

Ang USADA ay kinomisyon nina Pacquiao at Mayweather para magsagawa ng random drug testing para sa kanilang mega fight.

Bagama’t hindi kabilang ang nasabing injections sa anumang banned substances, ang IVs ay nanatili namang banned sa ilalim ng WADA guidelines dahil ito ang tumutunaw o nagtatakip sa anumang substance.

Ang isyu sa drug testing ang naunang naging balakid sa pagtatakda ng bakbakan nina Pacquiao at Mayweather.

Minsan nang pinaratangan ng kampo ni Mayweather at ni Oscar Dela Hoya si Pacquiao na gumagamit ng performance-enhancing drugs (PEDs) sa kanyang mga laban.

Ngunit nang idemanda sila ni Pacquiao ay binawi nila ang kanilang mga alegasyon.

vuukle comment

ANG

BOB BENNETT

FLOYD MAYWEATHER

MAYWEATHER

NEVADA STATE ATHLETIC COMMISSION

OSCAR DELA HOYA

PACQUIAO

UNITED STATES ANTI-DOPING AGENCY

VITAMIN C

WORLD ANTI-DOPING AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with