Lagi-lagi na lang prinoproblema ang pagbuo ng national basketball team sa tuwing sasapit ang FIBA Asia Championships.
Importante kasi na malakas na team ang isasabak natin sa FIBA 0Asia dahil ito ay qualifying tournament para sa FIBA World Cup o kaya ay sa Olympics.
Ilang taon nang nagsasakripisyo ang PBA para makatulong sa pagbuo ng malakas na koponan.
Ipinapahiram ng mga PBA ballclubs ang kanilang mga players. Kahit na may panganib na puwedeng ma-injury ang kanilang player na pinapasahod nila ng malaki at posibleng di nila mapakinabangan kung madidisgrasya ito.
Kaya nga ang ibang teams, hesitant sa pagpapahiram ng kanilang mga players sa national team.
Pero magpasalamat tayo sa mga teams na may pagmamahal sa ating bansa na walang pag-aalinla-ngan sa pagpapahiram ng kanilang players.
Kaya lang… hindi tayo puwedeng umasa na lang nang umasa palagi sa PBA… Maganda talaga na may sarili tayong national team na magsasanay ng matagal.
Ang nangyayari kasi, bubuo tayo ng team na puro PBA players, makikiamot ng panahon sa PBA para makapagpraktis ng sama-sama ang Phl Team, at pagkatapos ng kompetisyon, bubuwagin na naman…
Walang continuity ang team. Kaso lang, medyo mahirap bumuo ng national team…
Kailangang alagaan ng husto ang mga kuku-ning player para sa team.
Siyempre, kailangan ding mapasahod ng malaki, kasi nga kung magaling ang player at puwedeng kumita ng malaki sa PBA, eh di sa PBA na lalaro’yan kaysa sa national team.
Understandable naman ‘yun. Siyempre lahat ay gustong kumita ng malaki. Kung meron mang willing magsakri-pisyo, iilan lang ‘yan.
Sa tulong ng businessman at sports patron na si Manny V. Pangilinan, malayo na ang nararating natin sa basketball. Sana ay magkaroon pa ng ibang katulad niya para masimulan at ma-sustain ang long term program para sa national basketball team.