NCAA Player of the Week si Jalalon
MANILA, Philippines – Gumagawa na ng kanyang hakbang si guard Jio Jalalon ng Arellano University para sa NCAA Most Valuable Player award.
Ipinakita ito ni Jalalon nang magtala ng triple-double sa 84-77 overtime win ng Chiefs laban sa Perpetual Help Altas sa second round ng 91st NCAA men’s basketball tournament.
Kumamada si Jalalon ng 32 points, 15 assists at 10 rebounds.
Sapat na ito para hirangin ang tubong Cagayan de Oro City bilang ACCEL Quantum/3XVI-NCAA Press Corps Player of the Week.
Nasa No. 6 si Jalalon sa MVP race sa ilalim nina Mapua Cardinals’ import Allwell Oraeme, Arthur dela Cruz ng five-peat champions na San Beda Red Lions, Perpetual Altas star Earl Scottie Thompson at Nigerian reinforcement Bright Akhuetie at Letran Knights’ guard Rey Nambatac.
Nauna nang nagtala si Jalalon ng 12 points, 10 boards at 15 assists sa 92-80 panalo ng Arellano sa EAC. (RC)
- Latest