MANILA, Philippines – Magbubukas ang 2015 season ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) sa Setyembre 4 at ito ang pag-uusapan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayon sa Shakey’s Malate.
Dadalo sa sesyon na isinasaere nang LIVE ng DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corp. sina NAASCU chairman Dr. Jay Adalem, league president Dr. Nilo Rosas ng New Era University at secretary-general Dr. Rey Miranda.
Makakasama nila ang mga opisyales ng Quirino to Quirino Motorbike Ride at Federation of Touch Football Pilipinas.
Tatalakayin nina Congressman Dax Cua at Governor Junie Cua ng Quirino Province kasama si Elpidio Quirino Foundation trustee at president Cory Quirino ang road trip para sa pagdiriwang ng ika-125 birth anniversary ni dating Pangulong Quirino.
Ilalahad ng mga Fil-Australian members ng Touch Football Pilipinas ang resulta ng kanilang Asian Club Championship campaign.