MANILA, Philippines – Inangkin ni Wendil Jay Rama ng Meralco/MVP Sports Foundation ang bronze medal sa World Cadet Championships sa Muju, Korea.
Umiskor si Rama ng 13-0 panalo laban sa kanyang Brazilian rival at 10-4 tagumpay kontra sa isang Palestinian sa preliminary round.
Tinalo ni Rama ang kanyang nakaharap na German, 18-8, sa quarterfinals.
Nakuntento siya sa bronze medal nang maisuko ang 5-9 decision kay Amir Valipour ng Iran sa semifinals.
Sina Alvin Taraya at John Paul Lizardo ang tumayong coaches ng Meralco/MVP SF national Cadet team na sinuportahan ng SMART, PLDT, Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.
Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Matthew John Ongtangco, Dineson Wilrej Caneda, Arjan Deandre Calimon, Marco Antonio Rubio, Rohann Josh Mendoza at Ejay Dongbo sa men’s division at sina Royda Jane Ranile, Anne Sharmaine Albarracin, Allysia Louise Caabay, Camille Andrea Miraflores, Josea Dizon, Gilwel Ann Jynamac Irang, Shaira Isabel Garbanzos at Karina Marie Uy sa women’s category.