O’Brien pinapirma ng Jazz sa 2-year deal

SALT LAKE CITY – Pinapirma ng Utah Jazz si free-agent rookie J.J. O’Brien.

Hindi inihayag ng Jazz ang detalye ng kon­trata ng 23-anyos na for­ward.

Naglaro si O’Brien ng isang season sa Uni­ver­sity of Utah at tinapos ang kanyang college career sa San Diego State.

Nagposte si O’Brien ng mga averages na 10.3 points, 5.2 rebounds at 2.4 assists bilang senior.

Kumampanya ang 6-foot-7, 220-pounder pa­ra sa Jazz sa nakaraang NBA Summer Leagues sa Salt Lake Ci­ty at Las Vegas.

Ang pagkakadagdag ni O’Brien ang nagpa­lakas sa wing position ng Utah na kinabibila­ngan nina Gordon Hayward, Alec Burks, Rodney Hood, Joe Ingles at Chris Johnson.

Tinapos ng Jazz ang nakaraang season bitbit ang 38-44 record at may sixth-best winning percentage (.655) matapos ang All-Star break.

Show comments