^

PM Sports

NBA championship trophy dadalhin ni Curry sa Manila

Pang-masa

MANILA, Philippines – Makikita ng mga Fi­li­pino basketball fans sa unang pagkakataon ang Larry O’Brien trophy, ang simboliko ng NBA championship.

Ito ay dadalhin mismo sa Manila ni Golden State Warriors guard Steph Curry para sa one-day visit sa Setyembre 5.

Nasa Asia ngayon ang nasabing NBA trophy na nagmula sa New York at ipinaparada ng NBA champions na Warriors.

Una itong dinala sa Tok­yo nang bumisita si Finals MVP Andre Iguodala para sa kanyang two-day tour.

Ibinandera naman ito ni Warriors frontliner Marreese (Mo Buckets) Speights sa Jr. NBA National Training Camp sa Jakarta, Indonesia.

Ibabalik ang tropeo sa Tokyo kung saan sisi­mulan ni Curry ang kanyang Asian roadshow sa Setyembre 4.

Mula sa Bangkok ay isasama ni Curry ang tro­peo sa Manila kina­bu­kasan.

Dadalhin ito sa mga siyudad ng China sa Bei­jing sa Setyembre 6, sa Chongqing sa Set­yembre 7 at Shanghai sa Setyembre 8.

Gagawin ni Curry, ang 2015 NBA MVP, ang kanyang pagbisita sa limang siyudad ng tat­long bansa sa loob ng limang araw.

Ang Under Armour ang magdadala kay Curry sa Asia para i-promote ang bago niyang Curry Two shoe.

Ang ama ni Curry na si Dell, dating NBA player, ay miyembro ng US team na humarap sa Philippine Team ni American coach Ron Ja­cobs sa FIBA World Clubs Championships sa Spain noong 1985.

Isa sa kanyang mga naging kakampi ay si Da­vid Robinson. (QH)

ACIRC

ANDRE IGUODALA

ANG

CURRY

CURRY TWO

GOLDEN STATE WARRIORS

LARRY O

MO BUCKETS

NASA ASIA

SETYEMBRE

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with