Paano na ang Cavaliers kung mawawala si Irving?
MANILA, Philippines - Ang pagkatalo ng Cleveland Cavaliers sa NBA Finals laban sa Golden State Warriors ay dahil sa pagkawala ng kanilang dalawang key players.
Papatapos pa lang ang first round ay nagka-injury na si Kevin Love at nadisgrasya naman si Kyrie Irving sa Game 1 kaya naapektuhan ng husto ang options ng Cavs at kinailangan ang superhuman performance mula kay LeBron James para manatiling palaban.
Bagama’t may tsansa sanang manalo ang Cavs, nakumpirmiso ang tropa ni LeBron nang magkaroon ng fracture ang knee cap ni Irving na tuluyang tumapos ng kanyang season.
Para sa 2015-16 season, puwede nang magbalik-laro na sina Irving at Love pero tila maniniguro ang Cavs at maghihintay na makapagpagaling ng husto si Irving kahit hanggang January.
Ayon sa mga source, maganda ang rehabilitation ni Irving pero maliit ang posibilidad na makalaro na siya sa opening game ng Cavs kontra sa Chicago Bulls sa October 27.
Idinagdag pa ng source na malamang na mas pipiliin ng Cavs na maniguro at maghintay ng tamang panahon para siguradong magaling na ang injury ni Irving.
Unti-unting ibabalik ng Cavs si Irving kaysa madisgrasya pa uli ito para mas recovered na siya pagda-ting ng playoffs.
Sa basketball camp ni Irving noong July, sinabi niyang, “I’m honestly not putting a date on anything. People are going to put a date regardless. I’m just continuing to be on the journey I’ve been on, and that’s continuing to get better every single day and rehabbing my leg.”
Hindi lahat ng teams ay makakapaghintay ng matagal para gumaling ang players pero puwedeng gawin ito ng Cavs dahil may Mo Williams at Matthew Dallevedova silang maaasahan para makatulong ni LeBron. Magbibigay din ito ng oportunidad kay Love na magkaroon ng malaking papel sa opensa.
Ang magiging problema lang ng Cavs kapag nagbalik na si Irving ay mahihirapan silang mag-adjust kung nakapag-deve-lop na sila ng chemistry at kung paano siya isisingit sa pag-atake ng Cavaliers.
- Latest