MANILA, Philippines - Magsasama-sama ang mga hinahangaang manlalaro sa NCAA para bigyang saya ang mga tagahanga sa gagawing 2nd NCAA All-Star Game ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.
Talento sa 3-point shooting at slam dunk ang unang ipamamalas ng piling manlalaro sa ganap na ika-2 ng hapon bago isagawa ang pagtatapat ng East at West sa All-Star game dakong alas-4 ng hapon.
Makakasama ni Jarin sa koponan sina Arthur dela Cruz, Ryusei Koga at Michole Sorela ng San Beda; Bright Akhuetie, Gab Daga-ngon at John Ylagan ng Perpetual Help; Bernabe Teodoro, Abdul Razak at Jordan dela Paz ng Jose Rizal; Jiovani Jalalon, Zach Nicholls at Kent Salado ng Arellano; at Bradwyn Guinto, Jamil Ortuoste at Michael Ca-lisaan ng San Sebastian.
Tiyak na handa naman ang West sa pagmamando ni Letran coach Aldin Ayo na makabawi at makakatulong niya rito ang mga kamador ng Knights na sina Mark Cruz, Rey Nambatac at Kevin Racal; Allwell Oraeme, JP Nieles at Justin Serrano ng Mapua; Joseph Ga-bayni, Wilson Baltazar at Shaq Alanes ng Lyceum; Jonathan Grey, Pons Saavedra at Jeffrey Ongteco ng St. Benilde; at sina Francis Munsayac, Sidney Onwubere at Christ Mejos ng Emilio Aguinaldo College.
Magtatangka muna si Travis Jonson na maidepensa ang 3-point shootout title laban kina Cruz, Wilson Baltazar ng Lyceum, Ryan Costelo ng San Sebastian, Gerald Dizon ng Perpetual, Jozhua General ng EAC, Paolo Pontejos ng JRU, AC Soberano ng San Beda, Exi Biteng ng Mapua at Ken Zamora ng Arellano.
Sina Oraeme, Prinze Ezel, Laminou Hamadou, Mustapha Haruna ng St. Benilde, Dioncee Holts, Kim Aurin, Allen Bulanadi, Jebb Bulawan, Rey Publico at Sorela naman ang magtatagisan sa kapana-panabik na slam dunk contest.