Gilas masusubukan ng Netherlands

MANILA, Philippines – Matapos ang nakakapagod na 22-oras na biyahe mula sa Manila at matapos mag-practice ay sasabak sa aksyon ang Gilas Pilipinas sa isang pocket tournament sa Estonia, Tallinn.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas ang Ne-therlands ngayong alas-5 ng hapon (alas-10 ng gabi sa Manila) para sa una nilang laban matapos ang kanilang training camp sa Meralco Gym na nagsi-mula noong Agosto 3.

Matapos ang mga Dutch ay lalabanan naman ng Nationals ang Estonians bukas ng alas-8 ng gabi (ala-1 ng hapon ng Agosto 22 sa Manila) kasunod ang Icelanders sa Sabado para sa pagtatapos ng kanilang three-day, four-nation meet.

Ipapalabas ng Sports5.ph ang Gilas-Netherlands match ngayong alas-10:30 ng gabi, habang ang Gilas-Estonia game ay sa ala-1 ng hapon sa Sabado at ang Gilas-Iceland game ay sa alas-10:30 ng gabi sa nasabi ring araw.

Sa TV5, isasaere ang laro ng Gilas at Netherlands bukas ng alas-4:15 ng hapon at ang bakbakan ng Gilas at Estonia sa alas-2:30 ng hapon sa Sabado at ang upakan ng Gilas at Iceland sa alas-4:15 ng hapon sa Lunes.

Ipaparada ng Netherlands, may 15 EuroBasket appearances at isang World Cup stint, sina 6-foot-11 centers Roeland Schaftenaar, Nicolas de Jong at Henk Norel at sina guards Yannick Franke, Leon Williams, Worthy de Jong, Charlon Kloof at forwards Mohamed Kherrazi, Ralf de Pagter, Kees Akerboom at Robin Smeulders.

Si Norel ay naglalaro para sa CAI Zaragoza sa Spanish league, habang si Smeulders ay mainstay sa German league at kumakampanya si De Jong sa France.

Sa tangi nilang World Cup appearance noong 1986 ay tumapos ang Dutch sa ika-14 bitbit ang 2-3 win-loss record. (NB)

Show comments