^

PM Sports

Ahanmisi, King nagpakitang-gilas sa mga PBA coaches

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sinamantala  nina Fil-American guards Mave-rick Ahanmisi at Jerramy King ang hindi pagdalo nina top overall pick prospect Moala Tautuaa at National University star Jeth Troy Rosario sa 2015 Gatorade PBA Draft Combine kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong.

Nanguna ang 6-foot-2 na si Ahanmisi, nagbida sa paghahari ng Cafe France Bakers sa nakaraang komperensya ng PBA D-League, sa 3/4 Court Sprint nang magtala ng bilis na 3.43 segundo upang kunin ang pansin ng mga PBA coaches na nagkaroon ng pagkakataong masilip ang kakayahan ng mga rookie draft prospects.

Nagpasikat din ang produkto ng University of Minnesota sa Lane Agility Drill sa kanyang oras na 11.22 segundo.

Ang 6’7 na si Tautuaa at ang 6’8 na si Rosario ay kasama ng Gilas Pilipinas sa Estonia para sa isang pocket tournament.

Inaasahang hihirangin ng Talk ‘N Text si Tautuaa, isang Fil-Tongan, bilang No. 1 overall pick, habang pag-aagawan naman sa first round si Rosario sa 2015 PBA Rookie Draft sa Linggo sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.

Bumandera ang 5’10 na si King, kumampan-ya para sa AMA University sa D-League, sa Maximum Vertical Leap mula sa kanyang lundag na 38.5 inches at ang hinirang na pinakamabilis sa Reaction Time.

Sa Day One ay sumailalim ang mga aspirante sa anthropometry tests (basic measurement kagaya ng height, weight at arm span), functional movements at performance tests (agility, speed, endu-rance at strength).

Pag-aagawan ngayon ng mga rookie hopefuls, hinati sa walong koponan, ang premyong P50,000 sa isang mini-tournament sa Day Two.

vuukle comment

AHANMISI

ANG

CAFE FRANCE BAKERS

COURT SPRINT

D-LEAGUE

DAY TWO

DRAFT COMBINE

GATORADE HOOPS CENTER

GILAS PILIPINAS

JERRAMY KING

JETH TROY ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with