MANILA, Philippines – Muling sasabak ang mga upcoming taekwondo bets ng Pinas sa international scene sa paglahok ng Meralco/MVP Sports Foundation National Cadet team sa World Cadet Taekwondo Championships sa August 23-26 sa Muju, Republic of Korea.
Pitong lalaki at walong babae ang bubuo ng Phi-lippine squad sa prestihiyosong event na lalahukan ng 60 bansa tulad ng Turkey, Chinese Taipei, Korea, China, Iran, Spain, France, United States at iba pa.
Kabilang sa Meralco/MVP Sports Foundation ay sina Wendil Jay Rama, Matthew John Ongtangco, Dineson Wilrej Caneda, Arlan Deandre Calimon, Marco Antonio Rubio, Rohann Josh Mendoza at Ejay Dongbo sa kalalakihan at sina Jane Royda Ranile, Anne Sharmaine Albarracin, Allysa Louise Caabay, Camille Andrea Miraflores, Josea Dizon, Gilwel An Jynamae Irang, Shaira Isa-bel Garbanzos at Karina Marie Uy sa kababaihan.
Si Tem Igor Mella ang delegation head habang sina John Paul Lizardo at Alvin Taraya ang mga coaches.
Kamakailan lamang, 13-medals ang naiuwi ng Filipino fighters kabilang ang dalawang gold sa paglahok sa Korea Open tournament. Mayroon ding nakuhang tatlong silver at walong bronze medals.
Ang Philippine Taekwondo Association ang bumuo ng Meralco/MVP SF team na suportado rin ng Muju by SMART, PLDT, Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.