Petecio nakontento sa silver
WULANCHABU, China – Nagtapos sa masaklap na kabiguan ang kampanya ng Pilipinas sa ASBC Women’s Boxing Championships matapos matalo si Nesthy Petecio kay Peamwilai Laopeam ng Thailand via split decision sa kanilang gold me-dal fight dito sa Wulanchabu Sports Gymnasium.
Ibinigay ng dalawang judges mula sa Ukraine at Kyrgyzstan ang magkaparehong 39-37 iskor kay Laopeam, samantalang 39-37 din ang nakuha ni Petecio sa isang Chinese judge sa scorecards.
Mula sa kanyang pagi-ging agresibo ay nakuha ni Petecio, ang silver medalist noong 2014 World Boxing Championships at sa 2015 SEA Games sa Singapore, ang first round bago nakasabay si Laopeam sa se-cond round.
Sa third round ay nagkaroon ng sugat si Petecio sa kanang mata nang tamaan ng siko ni Laopeam mula sa kanyang mintis na left hook.
“Naramdaman ko talaga ang lakas ng tama nung siko at ilang segundo rin akong hindi makakita sa kanang mata ko,” sabi ng 23-anyos na Davaoeña sa naturang aksidente.
Lumaban pa rin si Petecio sa istilo ng isang southpaw at orthodox kahit nagkasugat sa kanang mata kaya ‘di niya makita ang kalaban. Bagama’t aksidente ang pamamaga ng kanang mata ni Petecio dahil sa pagkakasiko ni Laopeam, itinuring itong legal blow ng mga opisyales.
Ang third round ay ibi-nigay ng tatlong judges sa 31-anyos na si Laopeam.
- Latest