Mainit na aksiyon ang matutunghayan sa PSL beach volley finals bukas
MANILA, Philippines - Magiging mainit at matensiyon ang labanan ng dalawang pinakamahuhusay na beach volleyball players mula sa Visayas sa paglarga ng finals bukas ng PLDT Home Ultera Philippine Superliga Beach Volleyball Challenge Cup 2015 na pinala-kas ng Smart Live More sa Sands By the Bay sa SM Mall of Asia.
Muling mabubuhay ang rivalry ng pambato ng Iloilo na si Fiola Ceballos ng Foton Tornadoes at ng pride ng Cebu na si Danica Gendrauli ng Gilligan sa gold-medal match ng torneong inorganisa ng Sports Core katulong ang Accel bilang official outfitter, Senoh bilang technical sponsor, Sands By the Bay bilang venue partner at Maynilad bilang official water provider.
Ang laban ay isasaere ng live sa TV 5 at inaasa-hang muling dudumigin ng mga tao ang venue upang masaksihan ang mainit na sagupaan.
Inaasahang pupukaw din ng pansin ang title showdown sa men’s division sa pagitan ng SM By the Bay A na binubuo nina Hachaliah Gilbuena at Jade Becaldo kontra kina Tippy Tipgos at Marjun Alingasa ng Champion Infinity B.
Muling masusubukan ang galing ni Becaldo, isa sa itinuturing na pinakamahusay na sand spikers mula sa University of the Visayas, kay Tipgos, na dating lumalaro sa University of San Jose-Recoletos. Ang kanilang rivalry sa Cebu Schools Athletic Foundation, Inc. ay magpapatuloy sa Manila sa kanilang paghaharap para sa titulo para maging unang men’s division champion ng torneo.
Ang 20-year gulang na Tourism senior mula sa Central Philippine University na si Ceballos ay itinuturing na isa sa best young players on the sand. Kinilala siya kamakailan bilang First Queen of the Sands.
Katulong ang Ilongga na si Patty Jane Orendain ng Bacolod, naka-da-lawang panalo ang Tornadoes sa classification round bago dinimolisa ang kanilang sister team na Foton Hurricane sa semifinals.
Ngunit nangako ang 24-gulang na si Gendrauli ng Southwestern University na iuuwi nila ang titulo bukod pa sa makaganti sa pagkatalo kina Ceballos at sa dati niyang partner na si national team skipper Jovelyn Gonzaga sa isang commercial beach volley tournament sa Boracay noong 2012 at 2013.
“Sa regional tinalo namin sila, pero sa championship, talo kami sa kanila,” sabi ni Gendrauli na nahirapang itakas ang three-set win kontra sa Cignal HD Spikers B sa semis. “Added motivation ‘yun on my part. That’s why we’re training hard para mas maging magandang performance namin sa Sabado.”
Iginiit ni Ceballos na ang kanilang panalo kontra kina Gendrauli ay ibang kuwento dahil matagal na itong nangyari.
Malaki na ang improvement ni Gendrauli at ang kanyang partner na mahusay sa depensa ang dahilan kaya sila umangat ng husto sa four-week tournament.
- Latest