3x3 basketball atbp. sa PSA Forum ngayon

MANILA, Philippines - Maraming pag-uusapan ngayon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate tampok ang 3x3 basketball.

Mangunguna sa listahan ng mga panauhin sina David Aldrin, product manager ng Carbridge Group Phil. Inc. at Joel Salindang, marketing consultant ng Black Mamba Energy Drink para talakayin ang paglulunsad ng Black Mamba 3x3 basketball sa public service program na maririnig ng live sa DZSR Sports Radio 918.

Kasama nila sa sesyon na handog ng San Miguel Corp., Shakey’s, Accel at Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sina Philippine Karatedo Federation (PKF) secretary-general Raymond Lee, coach Ali Parvinfar at Mae Soriano, gold medal winner sa nakaraang Thailand Open at officials ng Touch Football  Philippines, na magpo-promote ng  kanilang nalalapit na beach touch tournament sa SM Sands By The Bay.

Hinihiling ng bagong PSA president na si Riera Mallari ng Standard sa mga miyembro na dumalo sa sesyon na magsisi-mula sa alas-10:30 ng umaga.

 

Show comments