Manila West, Manila North nagparamdam sa FIBA 3-on-3

MANILA, Philippines – Malinaw ang mensa­he ng Manila North sa ka­­nilang kahandaan na tu­­lungan ang nagdede­pen­­sang Manila West na ma­­panatili sa bansa ang t­itulo sa 2015 FIBA 3x3 World Tour Manila Masters.

Binuksan kahapon ang aksyon sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila at sina Calvin Abueva, Vic Ma­nuel Troy Rosario at Karl Dehesa ay nakitaan ng tibay ng dibdib para maitakas ang dalawang di­kitang laro sa Pool B.

Kinapitan ng koponan ang dalawang free throws ni Vic Manuel sa huling pi­tong segundo para maitala ang 20-18 panalo sa Bei­rut Lebanon.

Sunod na ginulat ng Ma­nila North ay ang da­ting world champion at No. 2 seed sa 12 koponang kalahok na Ljublijana Slo­venia nang maipasok ni Troy Rosario ang tip-in pa­ra sa 17-16 panalo.

Lamang ang Slovenia sa 16-14 pero naitab­la ni Dehesa ang laro sa 2-pointer. Sablay ang opensa ng dayuhang ko­po­nan upang mabalik ang bola sa huling play.

Mintis ang atake ni Ma­nuel ngunit naroroon si Rosario para sa follow-up at ang Manila North ang na­nguna sa Pool B sa 2-0 baraha sa palarong inorga­nisa ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) at suportado ng Smart, PLDT, Maynilad, MVP Sports Foundation at Wilson.

Pasok din ang Ljub­ljana sa 1-1, habang sibak ang Beirut sa 0-2 baraha.

Ang nagdedepensang Ma­nila West na binubuo ni­na Terrence Romeo, KG Canaleta, Rey Guevarra at Aldrech Ramos ay may 2-0 sa Pool D matapos manalo sa Auckland New Zealand, 21-18, bago isinunod ang ikatlong local team na Manila South, 21-14.

Nangailangan ang Ma­nila South na binuo ni­na Lucky Ecarma, Jair Ignam, Carlo Ortega at Jo­shua Sinclair na manalo  ma­tapos ang 14-21 pag­yuko sa New Zealand team pero hindi kinaya ng mga 18-under players ang mas malalaki at mas may karanasan na katunggali pa­ra mamahinga na sa tor­neo.

Ang knockout round ay gagawin ngayong ha­pon sa pagtatapos ng kom­petisyon at kalaro ng Ma­nila North ang Kobe Japan na pumangalawa sa Pool C sa 1-1 karta. (AT)

Show comments