Coaching staff ni Kerr buo pa rin

OAKLAND, Calif. – Ibabalik ni coach Steve Kerr ng reigning NBA champion Golden State Warriors ang kanyang buong coaching staff ma-liban kay Alvin Gentry na siya nang bagong coach ng New Orleans Pelicans.

Inihayag ng Warriors nitong Miyerkules na si  Luke Walton ang papalit kay Gentry sa bench sa kanyang ikalawang season bilang Warriors assistant.

Si Walton, dating 10-year NBA player ay player development coach para sa D-League Los Angeles D-Fenders noong 2013-14 at assistant coach sa University of Memphis noong 2011 NBA lockout.

Si Jarron Collins ay na-promote bilang assistant coach at uupo sa bench matapos maging player development coach noong nakaraang season nang manalo ang Warriors ng titulo matapos ang 40 taon sa pagtatala ng franchise-record na 67 games.

Show comments