Pacquiao pinupuntirya ni Khan sa Dubai

MANILA, Philippines – Umaasa si British boxer Amir Khan na magkakaroon siya ng pagkakataong labanan si Manny Pacquiao sa Dubai sa susunod na taon.

“A fight with Manny Pacquiao in Dubai could be massive. I’d love to take that fight,” pahayag  kamakailan ni Khan kay Alex Rea ng Sport 360.

Bagama’t sinabi ni Khan na prayoridad niya ang makalaban si Floyd Mayweather Jr., sabik din siyang makalaban ang Filipino icon na minsan siyang ginawang sparmate sa isa sa kanyang mga laban.

Kasalukuyan pang nagrerekober si Pacquiao mula sa shoulder injury  na nakuha niya sa pagsasanay sa laban kontra kay Mayweather na tumalo sa kanya sa itinuturing na pinakamalaking laban sa kasaysayan ng boxing noong Mayo. Inaasahang babalik si Pacquiao sa boxing ring sa 2016.

Si Pacquiao at Khan  ay parehong nasa panga-ngalaga ni Freddie Roach.

“We’re friends but sometimes you’ve got to put friendship to one side. That fight would be amazing,” sabi ni Khan.

Hindi pa sigurado kung kailan babalik sa ring si Pacquiao dahil hindi ito pumunta sa US para sa kanyang nakatakdang check-up upang masimulan ang kanyang rehabilitation prog-ram na siyang ikinadismaya ng kanyang promoter na si Bob Arum. (DM)

Show comments