MANILA, Philippines - Patutunayan ni Nonito Donaire Jr. na may ilalabas pa siya matapos makatikim ng pinakamasaklap na pagkatalo sa kanyang boxing career noong nakaraang taon.
Sa pulong pambalitaan kahapon para sa Pinoy Pride 30 sa Solaire Resort and Casino, sinabi ni Donaire na walang masamang epekto sa kanya ang sixth round knockout na pagkatalo kay Nicholas Walters ng Jamaica para mawala ang WBA super fea-therweight title.
“A lot of question now is if I still have it after the last fight. I was not affected by that loss and what I did was to think positive that there is still another fight. I think I found the key to rise again,” wika ni Donaire.
Bumalik siya sa 122- pound division na kanyang dinomina noong 2012 dahilan upang kilalanin siya bilang Fighter of the Year.
Hindi niya agad sinabi na kaya niyang madomina uli sa dibisyong ito pero gagawin niya ang lahat at dadaan sa proseso ng hindi magmamadali para makatikim uli ng world title.
Katunggali niya si William Prado ng Brazil at hindi niya minamaliit ang kakayahan nito.
“I know this is a tough fight but I am prepared for this fight,” dagdag ng five-division world champion na sisikaping kunin ang paglalabanang WBC NABF Super Bantamweight title.
Naroroon din si WBO World Jr. Flyweight champion Donnie Nie-tes at tulad ng kalabang si Gilberto Parra ng Mexico ay tiwala rin sa kakaya-hang manalo sa main event sa fight card na handog ng ALA Promotions katuwang ang ABS-CBN at gagawin sa Smart Araneta Coliseum.
“Pinaghandaan natin ang laban na ito at tala-gang pinag-aralan ang ikinikilos niya. Sa gabi ng laban, handang-handa na ako,” wika ni Nie-tes, ang pinakamahabang nakatayong world champion ng bansa.
Mahalaga kay Nie-tes ang magkaroon ng magandang laban dahil tune-up niya ito para sa mandatory defense laban kay Francisco Rodriguez ng Mexico sa Hulyo 4.
Nasa pagtitipon din sina Prado at Parra na nakontentong sagutin lamang na handa sila sa matinding hamon ng dalawang Filipino boxing pride bukas ng gabi.
Ang weigh-in ay ga-gawin ngayon sa Big Dome. (AT)