Level up na ang labanan
MANILA, Philippines - Muling gagamitin ng No. 3 Purefoods ang kanilang ‘triangle offense’ sa pagsagupa sa No. 6 Alaska ngayong alas-7 ng gabi sa pagsisimula ng kanilang best-of-three quarterfinals series sa 2015 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
“Sa triangle kasi, kapag nakasubok ka, kahit nangangapa ka, review na lang at mare-recall mo rin agad ‘yung options,” sabi ni two-time PBA Most Valuable Player James Yap.
Magtatagpo naman para sa kanilang sariling quarterfinals duel ang No. 4 na NLEX at ang No. 5 na Meralco sa alas-4:15 ng hapon.
Para maagaw ang No. 6 berth at makaiwas na makaharap ang mga may ‘twice-to-beat’ advantage na No. 1 Rain or Shine Elasto Painters at No. 2 Talk ‘N Text Tropang Texters, kinailangan ng Aces na talunin ang Ginebra Gin Kings ng 6 points, 104-98, noong Miyerkules.
Kaya naman nakahi-nga ng maluwag si Alaska mentor Alex Compton.
“I’m grateful we made the playoff, even making the best-of-three series instead of playing an opponent with a twice-to-beat advantage,” ani Compton.
Matapos mapigilan ang five-game winning streak ng NLEX, ang Purefoods ngayon ang pinakamainit na koponan sa kanilang four-game winning roll.
Sa unang laro, pipilitin naman ng Road Warriors at Bolts na makabangon sa kanilang mga kabiguan.
Kasalukuyang nasa three-game losing skid ang Meralco, nagposte ng matayog na 5-0 record sa eliminasyon.
Sa dalawa pang quarterfinals match-up, lalabanan ng No. 1 Rain or Shine ang No. 8 Ginebra at sasagupain ng No. 2 Talk ‘N Text ang No. 7 Barako Bull.
Kapwa bitbit ng Elasto Painters at Tropang Texters ang ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Gin Kings at Energy, ayon sa pagkakasunod.
- Latest