Valdez, Gorayeb muling magkakasama
MANILA, Philippines – Matapos ang dalawang taon ay muling magkakasama sina Ateneo superstar Alyssa Valdez at dating coach Roger Gorayeb para sa hangaring makamit ang kanilang ikalawang korona sa Shakey’s V-League.
Sinabi ni Gorayeb na masaya siya dahil nagdesisyon si Valdez na sumama sa kanyang koponang PLDT para sa darating na Open Conference ng Shakey’s V-League Open Conference na magbubukas sa Abril 5 sa The Arena sa San Juan City.
“She will be a vital part of this PLDT team,” wika ni Gorayeb kay Valdez, iginiya ang Ateneo Lady Eagles sa back-to-back UAAP championships.
Nagkasama sina Gorayeb, ang coach ng Ateneo bago nagbitiw at pinalitan ni Tai Bundit nooong 2013 at Valdez sa pag-angkin sa Shakey’s V-League title noong 2013 bago natalo sa National University Lady Bulldogs sa sumunod na taon.
“Hopefully, with her around, we could win ano-ther championship just like the old times,” wika ni Gorayeb.
Si 6-foot-4 spiker Jaja Santiago ang isa pang malaking recruit na nagpalakas sa tsansa ng PLDT para sa korona.
“Jaja is a key addition to this team,” ani Go-rayeb, ang head coach din ng NU, national under-23 at ng Southeast Asian Games women’s teams.
Kagaya ni Valdez, muling makakasama ni Ateneo libero Denden Lazaro si Gorayeb katuwang si dating teammate Cha Soriano bukod pa kina Rubie de Leon, Suzanne Roces, Gretchel Soltones, Amanda Villanueva, Jem Ferrer at Lizlee Ann Pantone.
“I see no problem in the chemistry because Rubie (de Leon) and Alyssa knows how to play with each other,” ani Gorayeb.
Ang Cagayan Valley, ang 2014 import-laced Open titlist at Philippine Army, ang defending All-Filipino champion, ang sinabi ni Gorayeb na hahadlang sa kanilang hangarin.
Ang iba pang kalahok ay ang Baguio, Fourbees, Meralco, Navy at Coast Guard.
- Latest