Elite sinilat ang Bolts

MANILA, Philippines – Bagama’t wala na sa kontensyon ay ipinagdiwang pa rin ng Blackwater ang kanilang ikatlong panalo sa 11 laro.

“Going into this game irregardless of being elimi-nated, gaining experience and giving their 100% are part of the building process that we’re undergoing,” ani head coach Leo Isaac.

Ginulat ng Elite ang quarterfinalist nang  Meralco, 84-72 tampok ang 27 points ni natura-lized center Marcus Douthit kasunod ang 21 ni rookie center JP Erram at 13 ng bagong hugot na si Reil Cervantes sa huli nilang laro sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Winakasan ng Blackwater ang kanilang dalawang sunod na kamalasan para paghandaan ang darating na PBA Governors’ Cup kung saan ang dalawang kulelat na koponan sa Philippine Cup at Commissioner’s Cup ay papa-yagang kumuha ng import na unlimited height.

Samantala, makukum-pleto naman ang eight-team quarterfinals cast kung mananalo ang Barangay Ginebra laban sa Alaska sa ikalawang laro kagabi.

Kung mangyayari ito ay awtomatikong papasok sa quarterfinals ang Globalport dahil sa mas mataas nilang quotient.

Kung mananalo naman ang Aces ay masisibak ang Batang Pier.

Ang Rain or Shine at Talk ‘N Text ay may ‘twice-to-beat’ incentive dahil sa pagtatapos sa eliminasyon bilang No. 1 at No. 2 teams, ayon sa pagkakasunod at makakaharap ang No. 8 at No. 7 teams.

Show comments