MANILA, Philippines - Tinapos ng Barako Bull ang five-game winning streak ng NLEX at pinalakas ang kanilang tsansa sa eight-team quarterfinal cast matapos kunin ng Energy ang mahalagang 91-85 panalo laban sa Red Warriors sa 2015 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Sa huling anim na minuto ay tangan ng NLEX ang 6-point lead matapos makabangon buhat sa 13-point deficit sa third period.
Nagboluntaryo si six-foot Barako Bull veteran guard Sol Mercado na bantayan si 6’7 import Al Thornton.
“Sol having the experience, he came in ready. It came from him, the idea to guard Al Thornton,” sabi ni head coach Koy Banal.
Matapos ilista ng Ener-gy ang 64-51 abante sa 6:50 minuto ng third period ay nagpakawala ang Road Warriors ng 24-8 atake para agawin ang 75-72 bentahe sa pagtatapos nito.
Ipinoste ng NLEX ang six-point lead, 85-79 matapos ang basket ni Mac Cardona sa 6:00 minuto ng fourth quarter bago nagtuwang sina se-ven-foot import Solomon Alabi, Carlo Lastimosa at Chico Lanete para ibigay sa Barako Bull ang 86-85 kalamangan sa huling 1:54 minuto ng laro.
Samantala, nahugot ng Blackwater si center Reil Cervantes mula sa Kia bilang kapalit ni Alex Nuyles sa trade.