Cavaliers inakay ni James sa unang playoffs sapul noong 2010
CLEVELAND – Ginampanan ni LeBron James ang kanyang dalawang appointments.
Pinanood ni James ang performance ng kanyang anak sa eskuwelahan at iginiya ang Cavaliers sa playoffs.
Umiskor si James ng 29 points, ang 13 dito ay kanyang ginawa sa fourth quarter, para ihatid ang Cleveland sa 95-92 panalo laban sa Indiana Pacers para sa kanilang pang-15 sunod na home victory.
Mabigat ang pakiramdam ni James kaya siya nagpaiwan sa locker room sa halftime.
Ngunit sa fourth period ay umiskor siya ng 11 sunod na puntos para ibigay sa Cleveland ang 93-92 bentahe.
Subalit si Cavs guard Iman Shumpert ang tunay na nagbida makaraang kunin ang long rebound at nagsalpak ng dalawang free throws sa huling segundo ng laro.
Dahil sa panalo ay nakamit ng Cavs ang isang playoff spot, ang kauna-unahan nila matapos noong 2010 nang lumipat si James sa Miami Heat.
“‘It feels amazing,” sabi ng All-Star guard na si Kyrie Irving, maglalaro sa NBA postseason sa unang pagkakataon.
Sa sobrang sama ng pakiramdam ay hindi sumama si James sa morning shootaround ng Cavs para makapagpahinga.
Umabot si James sa pag-perform ng kanyang anak na si Bryce sa eskuwelahan bago dumiretso sa kanilang laro ng Pacers.
“LeBron does a lot of great things,” ani Cleveland coach David Blatt. “One of those things is he came to play. He was sick and certainly could have made an excuse but did not. He wanted to play and we let him go.”
Tumapos si Irving na may 13 points para sa Cleveland, habang humakot si Kevin Love ng 13 rebounds.
Tumipa naman si George Hill ng 24 points kasunod ang 20 ni Roy Hibbert sa panig ng Pacers.
- Latest