Warriors pinakitaan ang Hawks
OAKLAND, Calif. – Nakitaan ang Gol-den State Warriors ng magagandang pasa na nagresulta sa maraming magagandang tira at high-flying dunks.
Kapag nagiging unselfish ang mga Golden State players, maganda ang nagiging resulta nito para sa team at nahirapan ang Hawks na resulbahin ito sa matchup ng top two teams sa NBA ngayon.
Umiskor si Harrison Barnes ng 25 points, nagdagdag si Andre Iguodala ng 21 points at six assists nang igupo ng Golden State ang Atlanta, 114-95 nitong Miyerkules para sa pinakamagandang record sa liga.
“We obviously wanted to beat them tonight because they gave us a whooping in Atlanta,’’ pahayag ni Stephen Curry. “It was a fun night.’’
Nagtala si Curry ng 16 points at 12 assists, nag-ambag si Draymond Green ng 18 points habang humatak si Andrew Bogut ng 14 rebounds upang sumulong ang Golden State sa 54-13 na siyang pinakamagandang record sa liga na kinapapalooban ng 10-sunod na panalo sa homecourt.
Ang Hawks na napagod na at naghabol ng malaki sa fourth quarter ay muling nabigong makopo ang kanilang unang division title na huli nilang natikman noong 1993-94 season matapos manalo ang Washington sa Utah.
Umiskor sina Paul Millsap at DeMarre Carroll ng tig-16 points habang nagposte si Carroll ng 12 boards para sa Atlanta (53-15) na ‘di maganda ang shooting sa naitalang 35.6 percent lamang mula sa floor.
Parang play-off na ang laban na sinasabing puwedeng maging NBA Finals matchup ngunit malayong-malayo ito sa isip ni Warriors coach Steve Kerr.
Sa Miami, umiskor si Dwyane Wade ng 15 sa kanyang 32 points sa fourth quarter, kabilang ang jumper sa huling 13.6 segundo ng laro na bumasag ng deadlock para tulungan ang Miami Heat na igupo ang Portland Trail Blazers, 108-104.
- Latest