^

PM Sports

UST batters vs NU

Pang-masa

MANILA, Philippines - Magsasagupa ang Santo Tomas at National University ngayon sa pagbubukas ng step-ladder semifinals ng UAAP Season 77 softball tournament sa Rizal Memorial Baseball Stadium.       

Ang mananalo ng do-or-die match sa alas-9:00 ng umaga ay haharap sa University of the Philippines na may twice-to-beat advantage sa ikalawang step-ladder sa Biyernes.       

Nakopo ng Lady Maroons ang No. 2 seed sa semis matapos ang  7-4 panalo sa Tigresses sa playoff noong Linggo.        ‘

Ang Adamson University na tangka ang five-peat ay wala pang talo sa 60-laro sapul noong 2011 at nakapasok sila ng finals matapos kumpletuhin ang 12-game elimination round sweep. Ang Lady Falcons na may thrice-to-beat advantage ay sa March 24 pa lalaro kung masasagad ang step-ladder semifinals.

Nakopo ng Lady Bulldogs, runners-up sa huling dalawang seasons, ang huling  semifinals berth matapos sibakin ang De La Salle, 11-0 sa limang innings lamang noong Linggo.

Ang softball na lamang ang natitirang event na ‘di pa natatapos ngayong UAAP Season 77.

ANG ADAMSON UNIVERSITY

ANG LADY FALCONS

DE LA SALLE

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

LINGGO

NAKOPO

NATIONAL UNIVERSITY

RIZAL MEMORIAL BASEBALL STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with