MANILA, Philippines – Dapat ingatan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. ang anumang bagay na ipinapasok nila sa kanilang mga katawan bago ang kanilang salpukan sa Mayo 2 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Ito ang babala ng US Anti-Doping Agency, ang mangangasiwa sa random drug testing para kina Pacquiao at Mayweather.
“It’s a strong statement of the importance of clean and safe competition to have these two fighters voluntarily agree to have a WADA-level anti-doping program implemented for this fight. We commend them for their stand for clean sport and the message it sends to all those who want to compete clean at the highest levels of all sport,” sabi ni USADA Chief Executive Travis Tygart sa panayam ng Los Angeles Times.
Nagkasundo sina Pacquiao at Mayweather na ang USADA ang hahawak sa kanilang random drug testing procedure.
Anumang oras, umaga man o gabi, ay maaaring kolektahin ng USADA ang urine o blood samples nina Pacquiao at Mayweather.
Ang sinuman kina Pacquiao at Mayweather na mapapatunayang gumagamit ng performance-enhancing drugs (PEDs) ay haharap sila sa four-year ban na ginagawa din sa mga Olympic athletes.
Kapwa pumayag ang 36-anyos na si Pacquiao at ang 38-anyos na si Mayweather na sumailalim sa USADA procedures para maipakita na malinis ang kanilang mga katawan sa PEDs.