MANILA, Philippines - Winalis ng Hope Christian High School ang Colegio San Agustin Makati, 25-14, 25-16, 25-18 para angkinin ang korona ng 17-Under Competitive Division ng Milo-sponsored Women’s Volleyball League (WVL) sa San Beda gym kamakailan.
Sinandigan ng Hope Christian si Most Valuable Player Justine Dorog katuwang sina Mae Angelina Basarte, kinilalang best setter at Maria Lina Isabel Molde, hinirang na best spiker, sa kanilang tagumpay sa event na inorganisa ng award winning na Best Center sa loob ng 19 taon.
Sa labanan para sa third place, tinalo ng King’s Montessori School ang Holy Family School, 25-16, 25-14.
Pinatumba naman ng La Salle College of Antipolo ang St. Paul College-Makati, 25-18, 25-21, 25-16 para sa 17-Under Developmental Division title, habang giniba ng Espiritu Santo Parochial School ang St. Scholastica’s College-A, 25-15, 25-17 para sa third place.
Ang titulo ng 13-Under Competitive Division ay kinuha ng Colegio San Agustin-Makati matapos daigin ang Escuela de Sophia, 25-23, 21-25, 25-18.