Maynilad World Water Day Run 2015

MANILA, Philippines - Itatakbo ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang “World Water Day 2015 : Let’s Run for Water and Sustainable Development” na inorganisa ng Runners Republiq and RG Events sa March 22 sa CCP Complex, Pasay City.

Ang patakbong ito ay bahagi ng isang linggong pagdiriwang sa March 16-22 ng World Water Day sa pakikipagtulungan ng mga government agencies at private organizations na inaasahang hahatak ng 4,000 runners, kabilang ang 25 private organizations at government agencies sa pangunguna ng DENR.

Layunin ng patakbong ito na bigyang inspiras-yon ang mga Pinoy na gawin ang kanilang parte sa pagpo-promote ng kaalaman ukol sa malinis na tubig at environmental responsibility. Nais ding magkaroon ng awareness kung gaano kahalaga ang tubig sa ating pag-unlad.

Ang mga race categories ay 1K at 3K para sa fun runners at ang 5K, 10K at 21K para sa mga competitive runners.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin ang FB/MayniladWaterWarrior o FB/runnersrepubliq.

Show comments