TAGUM City, Philippines -- Pumasa ang Davao del Norte organizers sa isinagawang technical inspection para sa pagdaraos ng 2015 Palarong Pambansa sa Mayo 3-9.
Ang lahat ng playing venues, billeting areas, local transportation, medical at security concerns ay pasado sa mga nag-inspeksyon.
“Davao del Norte is 98 percent ready,” sabi ni Cesar Abalon, ang Schools Sports Events and Activities Unit Head ng Department of Education (DepEd).
Ang isinagawang technical conference ay dinaluhan ng 23 tournament managers mula sa iba’t ibang national sports associations.
“There is something unique in every host. But with DavNor, it is the playing facilities, the billeting [both very good preparation] and the warmth of the people of Davao del Norte and the all-out support of the Go-vernor [Rodolfo del Rosario] with his drive to make this the best Palaro ever,” dagdag pa ni Abalon.
Pinuri ni Jason Razal, miyembro ng pinagsamang inspection team mula sa DepEd at Philippine Sports Commission, ang kahandaan ng Davao del Norte.