^

PM Sports

Fil-Am NBA player gustong lumaro sa Gilas

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto ni Fil-American guard Jordan Clarkson ng Los Angeles Lakers na mapabilang sa Gilas Pilipinas ni coach Tab Baldwin.

“It definitely would mean a lot,” sabi ni Clarkson sa panayam ng NBA.com. “It’s just one of those things you want to do, like how I want to make my city proud and make that country proud as well.”

Ngunit hindi mangyayari ang gusto ni Clarkson na mapasama sa Gilas Pilipinas.

Sa FIBA eligibility rule, ang foreign-born player ay dapat makakuha ng dual citizenship bago maging 16-anyos para makalaro sa bansang gusto niyang katawanin.

Ang nasabing patakaran ay binalangkas para mahinto ang paglalaro ng mga foreigners bilang locals at katawanin ang isang bansa sa mga FIBA tournaments.

Sinabi ng 22-anyos na si Clarkson, ang ina ay isang Pinay, na naghahanap siya ng paraan para maisakatuparan ang kanyang hangaring katawanin ang Pilipinas sa mga international tournaments.

Ang nasabing patakaran ng FIBA ang nagkakait sa iba pang Fil-foreigners na kagaya nina Stephen Holt ng St. Mary’s College, Aaron Craft ng Ohio State at Moala Tautuaa ng Cagayan Rising Stars na maglaro para sa Pilipinas sa mga FIBA competitions.

Si Tautuaa ay nabigyan lamang ng Philippine passport sa edad na 25-anyos.

Bumubuo pa si Baldwin ng national pool na isasabak sa SEABA tournament na qualifier ng 2015 FIBA Asia Men’s Championship sa China.

AARON CRAFT

ASIA MEN

CAGAYAN RISING STARS

CLARKSON

GILAS PILIPINAS

JORDAN CLARKSON

LOS ANGELES LAKERS

MOALA TAUTUAA

OHIO STATE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with