5th straight title ng JRU sa NCAA track and field

MANILA, Philippines – Inangkin ni Mark Harry Diones ang kanyang ikaapat na gold medal sa 4x400-meter relay team nang makopo ng Jose Rizal University ang ikalimang sunod na titulo sa 90th NCAA track and field competition sa Philsports Arena sa Pasig City nitong weekend.

Pinangunahan ni Diones ang koponang kinabi-bilangan nina Aldrin Rey, Ramil Toledo at Paernel Lobos para makopo ang kanyang ikaapat na gold matapos manguna sa long jump, 400 meters at triple jump sa unang dalawang araw ng three-day meet.

Isa na naman itong dominanteng performance para sa Jose Rizal na nakalikom ng 892.50 points, para talunin ang Perpetual Altas (482.85) at Arellano University (401.33).

“This is the product of the team’s hardwork as well as the school’s full support to the program,” sabi ni JRU coach Jojo Posadas.

“Mission accomplished,” sabi naman ni NCAA Management Committee chair Paul Supan.

Sa juniors’ division, nakopo naman ng Emilio Aguinaldo College ang kanilang ikatlong sunod na titulo sa track and field matapos makalikom ng kabuuang 1,020.25 points.

Show comments