Ronda Pilipinas 2015 Perez sa Stage 5
DAGUPAN CITY, Philippines – Hindi pinakawalan ni Dominic Perez ng 7-Ele-ven Roadbike Philippines ang pagkakataong bigyan ng karangalan ang kanyang probinsyang Sto. Tomas, Pangasinan.
Nagsumite si Perez ng bilis na tatlong oras, apat na minuto at 42 segundo para pagharian ang 140-km Stage 5 at angkinin ang kauna-unahan niyang lap win sa Ronda Pilipinas 2015 na inihahandog ng LBC kahapon dito sa Dagupan City Plaza.
Aminado ang 20-an-yos na si Perez na hindi naging madali ang kanyang panalo.
“Marami kami sa lead pack, siguro mga 20 kami, kaya talagang mahirap ang labanan,” sabi ng 20-anyos na si Perez. “Sa last 200 meters lang talaga ako nakalusot.”
Napasakamay ni Perez ang premyong P30,000 makaraang ungusan sina John Renee Mier (Cebu), Jerry Aquino, Jr. (PSC/PhilCycling), Lloyd Lucien Reynante (Navy), El Joshua Carino (Navy), Lord Del Rosario (Mindanao), Roel Quintoy (Negros), Alfie Catalan (Army) at Edgar Nieto (composite team).
Napanatili naman ni veteran rider Santy Barnachea ng Navy Standard Insurance ang kanyang overall lead sa aggregate time na 17:29:03 kasunod sina Stage 1 winner George Oconer (17:36:41) ng PSC/PhilCycling, John Paul Morales (17:38:29) ng Navy, Cris Joven (17:40:33) ng Army, Stage 2 winner Ro-nald Oranza (17:40:38) ng Navy, Reynante (17:40:44), 2012 Ronda champion Irish Valenzuela (17:41:05) ng Army, Elmer Navarro (17:41:15) ng Cebu, Stage Three winner Baler Ravina (14:41:52) ng 7-Eleven at Nieto (17:42:19).
“Magkakaalaman na sa Stage 6 kung ano ang mangyayari,” sabi ng 36-anyos na si Barnachea sa kanyang tsansang ma-panatiling hawak ang overall lead sa 152-km karera ngayon mula dito sa Dagupan City hanggang sa Burnham Park sa Baguio City via Naguilian Road.
“Hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa na maaagaw ko ang overall,” sabi ni Valenzuela na nasa No. 6 sa overall standings at 12 minuto at dalawang segundo ang agwat kay Barnachea.
Bukas ay pakakawalan naman ang Stage 7 8.8-km Individual Time Trial.
- Latest