Lalabas na ng ospital si Bosh anumang araw

MIAMI – Inaasahang lalabas na si All-Star forward Chris Bosh ng Miami Heat sa ospital sa South Florida anumang araw na isang positibong development sa patuloy niyang pagrerekober sa pagbabara ng dugo na umaakyat na sa kanyang baga.

Sinabi ni Heat coach Erik Spoelstra nitong Lunes na ire-release na ng ospital si Bosh ngunit wala siyang sinabing espesipikong timetable.

“We don’t know the exact date yet,’’ sabi ni Spoels-tra. “He’s getting a little bit better.’’

Nanood si NBA Commissioner Adam Silver ng home game ng Miami kontra sa Philadelphia  nitong Lunes at ipinarating niya ang kanyang best wishes kay Bosh.

“I know it’s devastating for him but the great news is this is very treatable, this condition,’’ sabi ni Silver. “He’s going to be on medication for a while that’s going to dictate he can’t play for a certain number of months, but he’ll be back at full strength.’’

Naospital si Bosh noon pang nakaraang linggo matapos makita ang mga blood clot sa kanyang baga makaraang sumama ang kanyang pakiramdam ng ilang araw.

Nagpatingin siya sa doctor dahil sa pananakit ng kanyang tagiliran at likod pero nakalaro pa siya noong Feb. 15 All-Star Game bago lumala ang kanyang kondisyon.

Inihayag na ng Heat na out na sa season si Bosh.

Show comments