^

PM Sports

Kakaibang opening ang plano sa FIBA World Cup kung...

Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinitingnan ang Phi-lippine Arena sa Bocaue, Bulacan na pagdarausan ng opening game ng FIBA World Cup sa 2019 sakaling makuha ng Pinas ang pagho-host ng natu-rang event.

Sinabi ni  SBP executive director Sonny Barrios na nabanggit niya ang ideyang ito sa FIBA Evaluation Commission na bumisita dito sa bansa kamakailan para inspeksiyunin ang mga pasilidad na maaaring gamitin.

Sinabi ni Barrios na maaaring magkaroon ng record attendance na 100,000 katao kung magkakaroon ng laro ang USA at Philippines sa opening day.

Sinabi ni Barrios na puwedeng paghiwalayin ang benta ng ticket sa laro ng USA at Pilipinas sa Philippine Arena na may 55,000 capacity.

“Assuming the US and the Philippines are in different groups, we could schedule their first games in the same venue on opening day,” ani Barrios. “We’re thinking of the Philippine Arena and selling tickets for two separate games so that 50,000 will watch the US game and another 50,000 will watch the Philippine game. On the first day, we could set a new record for combined attendance of 100,000.”

Ayon kay Barrios, tila nagustuhan ng FIBA Officials ang ‘di karaniwang ideyang ito.

Karaniwang idinaraos ang preliminary stage ng World Cup sa iba’t ibang lugar.

Noong nakaraang taong World Cup sa Spain, ginanap ang group preliminaries sa Bilbao, Granada, Las Palmas sa Canary Islands at Seville kung saan lumaro ang Pinas.

“The Commission was concerned that it would be a logistics nightmare to move 50,000 out for one game and move another 50,000 in for another game,” ani Barrios.  “But Atty. Bong Teodoro of the Philippine Arena assured the Commission it’s not a problem because when the Iglesia Ni Cristo held its Centennial celebration at the Bulacan complex, there were over 2 million people and movement was orderly.  I think the Commission was quite impressed.”

Sinabi ni Barrios na sa ilalim ng FIBA rules, ang host country ay hindi puwedeng mamili kung saang grupo sila kasama sa preliminary stage.

Ang prebilihiyo lamang ng host country ay pumili kung kailan lalaro at ang oras ng schedule ng laro at kung saang venue.

Ang mga magkakasama sa grupo ay pinagbubunutan.

Ang plano ay gagamitin ang Smart Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at ang itatayong SM Cebu Arena at ang Solaire Arena para sa preliminary games. Ang 32 teams ay hahatiin sa 8 grupo na may tig-4-teams at ilalagay sa bawat venue ang isang grupo.

Ang plano ay gawin ang opening program at ang finals sa Philippine Arena.

ARENA

BARRIOS

BONG TEODORO OF THE PHILIPPINE ARENA

BULACAN

BUT ATTY

CANARY ISLANDS

PHILIPPINE ARENA

SINABI

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with