Mo Williams nakuha ng Charlotte?

MANILA, Philippines – Determinado ang Charlotte Hornets na makapasok sa Eastern Conference playoffs at palakasin ang kanilang koponan sa pamamagitan ng isang deal para makuha si Minnesota guard Mo Williams, ayon sa pahayag ng league sources sa Yahoo Sports.

Magtutungo si Williams sa Hornets kasama si guard Troy Daniels kapalit ni veteran guard Gary Neal at isang future second-round draft pick.

Ibibigay naman ng Charlotte sa Minnesota ang kanilang 2019 second-round pick na nakamit nila matapos ang 2014 trade sa Miami Heat.

Si Williams ang makakapagbigay sa Hornets ng suporta habang nagpapagaling si Kemba Walker mula sa operasyon sa tuhod at makakasama si Walker sa guard rotation para hindi na magamit ng Charlotte si Lance Stephenson bilang point guard.

Show comments