^

PM Sports

Malaysian sa stage 3; Galedo babawi sa Stage 4

Mae Balbuena - Pang-masa

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines  --  Na­sa­yang ang ipi­­nundar na mahigit sa  wa­­­long minutong kala­ma­ngan ng tat­long sik­lista nang lamunin sila ng ma­laking pulutong kung saan lumutang si Ha­riff Salleh ng Malaysian Continental team na Terengganu Cycling Team  na winner sa 149.34 kms Iba-Linga­yen Stage Three ng 2015 Le Tour de Filipinas  na handog ng Air21 kasama ang MVP Sports Foundation kahapon.

Maagang kumawala sina Theodore Yates ng Na­vitas Satalyst Racing Team (Australia), Jang Sun Jae RTS Santic Ra­cing Team (Taiwan), at Hi­roki Tsubaki Bridgestone Anchor Cycling Team (Japan) na nasa una­han ng karera ng halos 100 kilometro ngunit unti-unting nahabol ng mala­king pulutong pagpasok sa huling 50-kilometro ng karera sa parte ng Sual at tu­luyang nalamon sa hu­ling 10 kilometro.

Pinangunahan ni Sal­leh ang mala­king grupo ng mga siklistang tuma­wid ng fi­nish line sa Linga­yen Provincial Ca­pi­tol sa pa­re-parehong tiyem­pong 3 oras, 38 minuto at 35 se­gundo kasama ang mga top contenders ng karerang suportado rin ng Vic­to­ry Liner, San Mig Zero, No­vo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Canon at may road partners na Isuzu, MAN Truck and Bus, Viking Rent-A-Car at NLEX.

“My team really worked together and helped me win the stage to­day. The course is not so hot today unlike yesterday,” sabi ng 26-anyos na si Sallef na sinundan nina Mehdi Sohrabi ng Iran con­tinental team na Tabriz Petrochemical Team at Tino Thomel ng Taiwan continental team na RTS Santic Racing Team bilang stage runner-up at third placer.

Nasa likuran lamang ni­la kasama ng grupo ang mga naglalaban para sa titulo na sina Eric Thomas Sheppard ng Team Novo Nordisck (USA), defen­ding champion Mark Ga­ledo ng continental team na 7-Eleven Road Bike Philippines at Thomas Lebas  ng Bridgestone Anchor Cycling Team  ng Japan kaya’t walang naging paggalaw ang top three sa in­dividual general classification ng tanging UCI-sanctioned event na ito na inorganisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni  Donna Lina-Flavier.

Matapos ang tatlong araw na karera, si Sheppard ay may total time na 10:46:06 at nanatiling 3 segundo ang agwat ni Ga­ledo at 4 segundo naman si Lebas.

BRIDGESTONE ANCHOR CYCLING TEAM

DONNA LINA-FLAVIER

ELEVEN ROAD BIKE PHILIPPINES

ERIC THOMAS SHEPPARD

JANG SUN JAE

LE TOUR

SHY

TEAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with