^

PM Sports

Kampanya sa 6th Le Tour iaalay ni Galedo sa ‘Fallen 44’

Mae Balbuena - Pang-masa

BALANGA, Bataan, Philippines -- Sa karerang iaalay sa 44 Special Action Force (SAF) troopers na nasawi sa Maguindanao, matin­ding hamon ang hahara­pin ni Mark Galedo para ide­pensa ang kanyang ti­­tulo sa 2015 Le Tour de Filipinas na bubuksan ngayon sa pamamagitan ng Balanga-Balanga 126kms. Stage One.

Dalawang Iranian teams na kinabibilangan ni­na 2013 titlist Ghader Miz­bani  ng Tabriz Petro­chemical Team, 2011 champion Rahim Emami  at  ang top-ranked road ri­der ng Asya na si Mirsamad Poorseyediholakhour  ng Pishgaman Yzad Pro Cycling Team ang mag­pa­­pahirap sa hangarin ni Ga­ledo na maipagtanggol ang kanyang korona sa ka­rerang handog ng Air21 kasama ang MVP Sports Foundation at Smart.

 “Mahirap kasi, mala­lakas ang mga kalaban lalo na ‘yung mga Iranians,” pa­hayag ng 31-an­yos na si Galedo, ibinalik sa continental team na 7-Eleven Roadbike Phi­lip­pines mula sa national team ng PhilCycling ma­ta­pos ang ma­nagers mee­ting kagabi.

Pinalitan ni Galedo sa koponan si Boots Ruan Cu­­yubit.

Tatawagin ang 2015 edisyon ng karerang ito na inorganisa ng Ube Media Inc. na pinamumunuan ni Donna Lina-Flavier bilang “Tour of Heroes” at mag-aalay ng dasal para sa ‘Fallen 44’ sa ope­ning ceremony kung saan sina Bataan Gov. Abet Garcia at Balanga Mayor Joet Garcia ang magpapa­ka­wala sa mga siklista.

 “To start the 2015 Le Tour in Bataan at a time the nation is in mourning for the 44 slain SAF for­ces in Mamasapano (Maguindanao) inspires us to dedicate the race to our fallen heroes,” ani Lina-Fla­vier. “The Le Tour de Filipinas is not on­ly about sports and com­petition, it’s about fos­tering las­ting peace among nations through cy­cling.”

 Ang tanging UCI race sa bansa sa calendar ng Asia Tour ay suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at Ca­non.

Bukas ay aakyat ang mga siklista sa Iba, Zambales para sa 153.75-km Stage Two ka­su­nod ang 149.34-km Stage Three sa Martes sa Lingayen at ang Stage Four sa Baguio City sa harap ng Baguio City Convention Center sa distansyang 101-km.

ABET GARCIA

ASIA TOUR

BAGUIO CITY

BAGUIO CITY CONVENTION CENTER

BALANGA MAYOR JOET GARCIA

BATAAN GOV

BOOTS RUAN CU

LE TOUR

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with