^

PM Sports

Texters sososyo sa pangunguna: Douthit ipaparada naman ng Elite

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang pamilyar na muk­ha ang itatampok ng Blackwater sa hangaring wakasan ang 12-game lo­sing slump.

Ipaparada ng Elite si Gi­las Pilipinas naturalized import Marcus Douthit sa kanilang pagharap sa Talk ‘N Text tropang Texters ngayong alas-3 ng hapon bago ang banggaan ng Barako Bull Energy at ng Ginebra Gin Kings sa alas-5:15 sa 2015 PBA Com­missioner’s Cup sa Alon­te Sports Arena sa Bi­­ñan, Laguna.

Hinugot ng Blackwater, hindi pa nananalo sa ka­nilang 12 asignatura si­mula noong nakaraang PBA Philippine Cup,  ang 6-foot-11 na si Dout­hit matapos magkaroon ng injury si import Chris Charles sa isang tune-up game.

Ang 34-anyos na si Dout­hit ay nakapaglaro sa PBA noong 2012 para sa Air21 na hindi niya naitawid sa quarterfinals.

Huling nakita sa ak­syon si Douthit para sa Gilas Pilipinas ni da­ting coach Chot Reyes sa Asian Games sa Incheon, Ko­rea noong nakaraang ta­on.

Nanggaling ang Elite ni mentor Leo Isaac sa 70-92 pagyukod sa Energy.

Tatargetin naman ng Talk ‘N Text ang kanilang ikalawang sunod na panalo matapos takasan ang Rain or Shine, 89-86, no­ong nakaraang Miyer­kules.

Inamin ni Tropang Tex­ters’ head coach Jong Uichico na masama ang ka­nilang inilaro laban sa Elasto Painters.

“We didn’t look pretty. We have some work at hand,” wika ni Uichico. “It seemed like we’re star­ting the first conference again. So we have to keep on working.”

Itatapat ng Talk ‘N Text kay Douthit si 2014 PBA Best Import awardee Richard Howell.

Kagaya ng Tropang Texters, hangad din ng Energy ang kanilang pa­nga­lawang dikit na panalo sa pakikipagtuos sa Gin Kings.

Umiskor ang Barako Bull ng 70-92 panalo la­ban sa Blackwater na ti­nampukan ng pagbibida nina seven-foot import Solomon Alabi at guards Sol Mercado at Chico La­nete.

Hangad ng Ginebra ni bench tactician Ato Agustin na makaba­ngon mula sa 74-85 kabiguan sa Me­ralco noong na­­karaang Mar­tes.

Nalimitahan ng Bolts si 6’8 import Michael Dunigan, dating naglaro para sa Express noong 2013, sa 17 points at 15 rebounds sa kanyang debut game pa­ra sa Gin Kings.

ASIAN GAMES

ATO AGUSTIN

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGY

BEST IMPORT

CHICO LA

GIN KINGS

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with