Barriga, Suarez ‘di kasali sa SEAG

MANILA, Philippines - Maski ang mga anino nina Olympian Mark Anthony Barriga at Asian Games silver medalist Charly Suarez ay hindi ma­kikita sa darating na Southeast Asian Games sa Singapore.

“Iyon ang unang hina­nap ko at talagang wala ang pangalan ng dalawa,” wi­ka ni POC 1st Vice Pre­sident Joey Romasanta ki­na Barriga at Suarez.

Nagpulong ang wor­king committee na binuo ng POC sa pangunguna ni Chief of Mission Julian Camacho noong Mi­yerkules para hingiin sa mga sasaling NSAs ang pangalan ng atletang pu­we­deng isama sa pambansang delegasyon.

Ang Olympian na si Bar­riga at ang Incheon Asian Games silver meda­list na si Charly Suarez ay pa­rehong inaasahan na maghahatid ng gintong me­dalya sa SEA Games pero hindi isasama dahil ka­kampanya sa AIBA Pro Bo­xing na isa ring Rio Olympics qualifier.

Show comments