MANILA, Philippines - Habang tumatagal ay lalong nagkakaroon ng limitasyon sa mga posibleng sagupain ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.
Ito ay kung muling madidiskaril ang negosasyon para sa mega showdown nina Pacquiao at American world five-division titlist na si Floyd Mayweather, Jr. ngayong taon.
Sa ilang pangalang nasa listahan ay tanging si World Boxing Association (WBA) ‘Regular’ light welterweight king Jessie Vargas at World Boxing Council (WBC) light welterweight ruler Danny Garcia ang may malakas na tsansang makaharap ni Pacquiao.
“I just don’t know who’s next. The pool is shallow. We don’t have a lot of choices out there,” sabi ni chief trainer Freddie Roach.
Sinasabing nagpapatuloy ang pag-uusap nina Bob Arum ng Top Rank Promotions at Les Moonves ng CBS, ang parent company ng Showtime network kung saan may exclusive contract si Mayweather.
Halos limang taon nang pinipilit maplantsa ang upakan ng 36-anyos na si Pacquiao at ng 37-anyos na si Mayweather.
At kung hindi ito matutuloy ay alinman kina Vargas at Garcia ang haharapin ni Pacquiao nga-yong taon.
“I like Danny Garcia because he’s a game guy, he comes to fight, he’s a good puncher, he can knock you out in one punch, he’s dangerous,”ani Roach. “I think that’s a better fight.” (RC)