Aces vs Beermen sa finals sinibak ang Painters sa semis, 4-2

MANILA, Philippines – Limang three-point shots ang isinalpak ni ve­teran Dondon Hontiveros sa fourth quarter, habang sinunggaban naman ni cen­ter Sonny Thoss ang isang defensive rebound para sa pag-entra ng Aces sa championship series.

Tumapos si Hontive­ros na may 17 points para tulungan ang Alaska sa 79-76 panalo laban sa Rain or Shine sa Game Six at tapusin ang kanilang best-of-seven semifinals series sa 4-2 sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Makakasagupa ng Aces ang San Miguel Beer­­­men, winalis ang Talk ‘N Text Tropang Tex­ters sa kanilang semis series, 4-0,  sa best-of-se­ven title show­­down si­mula sa Miyerkules sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pang-27th finals appearance ng Alaska.

Gamit ang kanilang ma­tinding depensa, pinuwersa ng Aces ang Elasto Painters sa 14 mintis sa three-point range, kasama rito ang desperadong tres ni Jeff Chan sa final buz­zer na kinalawit ni Thoss para sa panalo ng Alaska.

“That’s our identity,” sabi ni Aces head coach Alex Compton. “Kaila­ngan defensive team mu­na ka­mi. I’m just proud of these guys.”

Nagdagdag si Calvin Abueva ng 15 points kasunod ang 11 ni Thoss at tig-6 nina Cyrus Baguio at Vic Manuel.

ALASKA 79 - Hontiveros 17, Abueva 15, Thoss 11, Baguio 6, Manuel 6, Menk 6, Jazul 5, Exciminiano 4, De­la Cruz 4, Casio 3, Banchero 2, Eman 0, Dela Rosa 0, Espinas 0.

Rain or Shine 76 - Chan 14, Almazan 11, Uyloan 9, Araña 9, Belga 9, Lee 7, Iba­ñes 6, Norwood 4, Tang 4, Qui­ñahan 3, Teng 0, Tiu 0, Cruz 0.

Quarterscores: 20-16; 36-28; 56-60; 79-76.

Show comments