Pacquiao-Mayweather fight dapat maitakda -- Lewis

MANILA, Philippines - Isama na si world hea­vyweight legend Lennox Lewis sa mga gustong ma­kita ang super fight ni­na Manny Pacquiao at Floyd Myweather, Jr. nga­yong 2015.

Sinabi ni Lewis na da­pat nang maplantsa ang naturang mega bout para mapagbigyan ang mga bo­xing fans sa buong mun­do.

“There’s a few fights I want to see in 2015 but Mayweather-Pacquiao is still at top of my list,” sabi ni Lewis. “Stop the madness and make it happen.”

Naging masidhi ang pag­hahamon ng 36-anyos na si Pacquiao (57-5-2, 38 KOs), sa 37-anyos na si Mayweather (47-0-0, 26 KOs) matapos pabagsa­kin ng anim na beses si Ame­rican Chris Algieri pa­ra sa kanyang unanimous decision win noong Nobyembre 23 sa Macau, China.

Noong Disyembre 16 ay ginamit ni Pac­quiao ang kanyang Twitter para kulitin si Mayweather.

At inulit niya ito bago matapos ang taong 2014.

Ang pagkakaroon ng mag­kaibang network ang sinasabing isa sa mga da­hilan kung bakit hindi ma­itakda ang Pacquiao-May­weather showdown.

Ayon kay Lewis, naga­wa nila ito nang maglaban sila ni Mike Tyson noong 2002.

“If we could make Lewis-Tyson happen with HBO and Showtime, they can get it together for May­weather-Pacquiao and make history again,” pag­hikayat ni Lewis sa da­lawang magkaribal na net­work.

Si Pacquiao ay nasa ba­kuran ng HBO, habang nasa Showtime naman si Mayweather.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotion, ang promoter ni Pacquiao, na nakikipag-usap na siya kay Les Moonves ng CBS, ang parent network ng Showtime, para maplantsa ang laban ni ‘Pacman’ kay Mayweather.

Kumpiyansa siyang mangyayari ito ngayong ta­on. (Russell Cadayona)

Show comments